INAKUSAHAN | DOH, malisyoso sa kanilang mga pahayag na walang namamatay sa mga naturukan ng Dengvaxia – PAO

Manila, Philippines – Tahasang inakusahan ng pinuno ng Public Atty. Office na malisyoso ang naging pahayag ng DOH na walang nasasawi dahil sa mga naturukan ng Dengvaxia.

Sa ginanap na forum sa Samahang Plaridel sa Kapihan sa Manila hotel sinabi ni PAO Chief Atty. Percida Rueda Acosta na 9 na naisampa sa DOJ at 6 ang isasampa kung saan 56 ang nasawi isang pulis at isang doktor dahil sa Dengvaxia habang nag-aantay sila s resulta ng eksaminasyon ng Pathology.

Uananang Itinanggi ng DOH na mayroong nasawi dahil sa naturukan ng Dengvaxia kung saan tahasang sinabi ni Acosta na malisyoso ang naturang Kagawaran dahil umano sa hindi pagtugon sa problema ng mga naturukan ng Dengvaxia.


Paliwanag ni Acosta na napakadali aniyang sabihin na wala sa masterlist ng DOH pero bakit ayaw nilang ilantad sa publiko pero gayunman ay sinisikap pa rin nila na matugunan ang problema ng mga naturukan ng Dengvaxia.

Inilahad sa isang powerpoint ang kasaysayan ng Dengvaxia kubg papaano ito nagsimula kung saan binigyan ng Travel Authority ng nakaraang gobyerno si Ms. Grace Medina ng BFAD patungong Thailand upang dumalo sa workshop na may kinalaman sa Dengue Vaccine.

Facebook Comments