INAKUSAHAN | Sereno, sinabihan na usurper ni Solicitor General Jose Calida

Manila, Philippines – Tinawag ni Solicitor General Jose Calida na “usurper” si Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Calida, iligal kasi ang pag-okupa ni Sereno sa kanyang tanggapan bilang Chief Justice.

Sa oral arguments mamayang hapon, may tig-20 minuto ang kampo ng petitioner at respondent para maglahad ng argumento.


Ang paglalahad ng argumento ay susundan naman ng interpelasyon o pagtatanong ng mga mahistrado.

Sa amended advisory na inilabas ng Korte Suprema, tinukoy na pinayagan nito ang kahilingan ni Sereno na magdaos ng oral arguments sa quo warranto petition para mabigyan siya ng huling pagkakataon na masagot ang ilang mga isyu.

Pero mahigpit ang kundisyon ng korte na dapat ay personal na humarap si Sereno sa oral arguments at siya ay tetestigo “under oath.”

Kailangan ding panumpaan ni Sereno ang mga inilahad niya sa kanyang inihaing kumento.

Kung mabibigo si Sereno na personal na dumalo sa oral arguments ay kakanselahin ng Korte Suprema ang nakatakdang pagdinig.

Samantala, mahigpit ang seguridad na pinaiiral ngayon sa labas Supreme Court sa Baguio City.

Pinagbabawalan ang media na kumuha ng mga larawan at video footage sa labas ng Supreme Court at ala una ng hapon pa papayagan ang media na makapasok sa loob ng tanggapan ng Korte Suprema dito sa Baguio City.

Facebook Comments