INALIS | ABS Partylist Rep. Eugene De Vera, tinanggal na bilang myembro sa Kamara

Manila, Philippines – Tinanggal na bilang kongresista sa Mababang Kapulungan si ABS (Arts Business Science) Partylist Rep. Eugene Michael De Vera.

Nag-ugat ang pag-alis sa kongresista dahil sa inihaing reklamo sa Comelec ng dating ABS Partylist Rep. Catalina Pizarro na kumukwestyon sa nominasyon at pagiging bonafide member ni De Vera.

Sa manifestation sa plenaryo, binanggit ni Majority Leader Rolando Andaya Jr. na nakatanggap sila ng sulat mula sa Comelec na dapat alisin ng Kamara sa rolls ng kapulungan si De Vera dahil sa utos na rin ng komisyon.


Umapela naman si De Vera na hindi pwedeng ang Comelec ang magdesisyon dahil salig sa Konstitusyon ay ang HRET lamang ang may hurisdiksyon na tanggalin siyang myembro ng Kongreso.

Pero sa huli ay hindi na napagbigyan si De Vera dahil ang manifestation ay dapat nang ipatupad ng Kamara.

Facebook Comments