INALIS | Batallion Commander ng Philippine Army, sinibak sa pwesto matapos ang nangyaring misencounter sa Samar

Samar – Inalis na sa pwesto ang Batallion Commander ng 87th Infantry Batallion ng Philippine Army na nakasagupa ng mga pulis at nagresulta sa misencounter sa Sta Rita Samar.

Ang pagsibak ay ginawa mismo ni Major General Raul Farnacio ang commander ng 8th Infantry Division ng Philippine Army.

Aniya inalis sa pwesto si Lt Col Arnel Floresca upang hindi maimpluwensyahan ang ginagawang imbestigasyon.


Normal na proseso aniya ito habang under imbestigasyon ang opisyal at ang mga kasama nito.

Si Floresca ay may labing anim na mga tauhan na kabilang sa 87th Infantry Batallion na nakasagupa ng mga pulis at nagresulta sa pagkasawi ng 6 na pulis at pagkasugat ng siyam na iba pa.

Facebook Comments