KALABOSO | babae, arestado sa Makati dahil sa pagnanakaw

Makati – Naaresto sa Amapola cor Sampaguita St., Pembo, Makati City ang isang 35 anyos na babae matapos itong maaktuhang nagnanakaw.

Base sa imbestigasyon ng Makati Police, nakita ng biktimang ang suspect na si Tita Bilonio, na kumukuha ng pera sa kaha ng kaniyang RTW store sa nabanggit na lugar.

Mabilis aniyang tumakas ang suspect, ngunit nagawa naman siyang sundan ng biktima.


Nang makakita ng mga nagpa- patrolyang police, dito na kinorner ang suspect.

Dinala na ang suspect sa Ospital ng Makati para sa Physical Examination, at nakatakdang i- turn over sa Makati Police para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.

Facebook Comments