Quezon City – Pumalag ang mga guro at mga magulang sa Pasong Tamo at Lupang Pangako Elementary biglaang inspection ng Quezon City Health Office sa mga school canteen
Tinawag na OA ni Dr Rosalito Deroda, principal ng Lupang Pangako elementary school ang mga inilistang bawal na inumin at pagkain sa mga batang mag aaral.
Aniya, kung titingnan ang listahan, mistulang tubig na lamang ang maibebenta sa mga bata.
Mas mainam aniya na magbaon na lamang ang mga bata dahil mahirap aniya na magluto sila ng mga nilagang kamote na hindi naman bibilhin ng mga bata
Hindi rin nagustuhan ng mga punong guro ang biglaang pagpasok ng Task Force sa mga eskwelahan na may kasamang Media dahil ikinabahala ito ng mga magulang na inakalang may nakapasok na kriminal.
Iginiit ni Deroda na Dapat at inuna muna ang mga tindahan sa labas bago unang pinuntirya ang mga paaralan.
Nanindigan naman si Health Officer Verdades Linga na sinunod nila ang protocol at ang kalagayang pangkausugan ng mga bata lamang ang kanilang isinasaalang-alang.