INALMAHAN | Bilyones na budget ng DFA sa sports program, kinuwestyon

Manila, Philippines – Kinuwestyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang 7.5-billion pesos na budget ng Department of Foreign Affairs o DFA para sa sports program partikular sa 2019 Southeast Asian Games.

Sabi ni Drilon, nakakagulat at ito din ang unang pagkakataon na naglaan ng napakalaking salapi ang DFA para sa sports program.

Giit ni Drilon, hindi kasama sa mandato ng DFA ang promosyon para sa mga sports events.


Paliwanag naman ni Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda si Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano ang humiling sa nabanggit na pondo.

Bunsod nito ay nagpaalala si Drilon na dapat ay maging maingat sa paglalatag ng budget at huwag basta-basta pagbigyan ang mga hiling ng pinuno ng isang ahensya.

Kaugnay nito ay sinabi ni Legarda na nag-request na si bagong Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na ilipat ang nabanggit na pondo sa ibang ahensya ng gobyerno.

Ang mungkahi ni Drilon, ilagay na lang ang 7.5 billion pesos sa Philippine Sports Commission (PSC) na sinang-ayunan naman ni Senator Legarda.

Facebook Comments