INALMAHAN | KARAPATAN at DESAPARESIDOS, nagkilos protesta sa tanggapan ng DILG laban sa appointment ni Año

Manila, Philippines – Nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng punong himpilan ng DILG ang grupong KARAPATAN at DESAPARESIDOS upang kondenahin ang pagkakatalaga ni dating AFP chief of staff Eduardo Año bilang OIC Secretary.

Ayon kay Cristina Palabay, spokesperson ng KARAPATAN, dapat managot muna si Año sa mga reklamo ng paglabag sa karapatang pantao noong siya ang namuno sa militar.

Si Año ay napabilang din noon sa mga kinasuhan kaugnay sa pagdukot sa aktibistang si Jonas Burgos.


Sinabi ni Palabay na ang pilit na paghahanap ng promosyon para kay Año ay patunay lamang na sa Duterte administration ay magpapatuloy ang mga mapaniil polisiya at pagkanlong sa mga notoryus na human rights violators.

Nagsagawa ng pag-iingay ang mga raliyista at nagladlad ng mga streamers na may nakasulat na ‘berdugo.’

Facebook Comments