Manila, Philippines – Kinundena ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle ang umano ay “fake freedom”.
Ito ay kasunod na rin ng pagpaslang sa ilang mga pari.
Ayon kay Tagle, huwad ang kalayaan kapag pinaglalaruan ang katarungan.
Aniya, wala nang pinipili ang mga halang ang kaluluwa dahil pati sanggol, kabataan, magulang, lola, pulis, sundalo, at pari ay pinapatay.
Kasabay nito, nanawagan ang cardinal sa pamahalaan na suriin ang patakaran sa paggawa, pagbebenta at pagmamay-ari ng baril dahil sa pangambang mas madali pang bumili ng baril kaysa ng bigas.
Facebook Comments