INALMAHAN | Pagpaparehistro ng sim card, pinalagan ng mga militanteng grupo

Manila, Philippines – Inalmahan ng mga militanteng grupo ang panukalang isailalim sa mandatory registration ang prepaid subscriber identification module o SIM cards.

Ayon kay Luke Espiritu ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, problematic ang balaking ito.

Hindi Aniya ito maituturing na neutral na mekanismo sa isang panahon na ang administrasyon ay pinaparatangan na sinisikil ang sinumang may tumutunggaling boses.


Kapag nagtagumpay aniya ang ipinapanukala sa Senado ay ma imomonitor na ang galaw ng mga kritiko ng gobyerno tulad ng mga aktibista.

Idinagdag ni Espiritu na sa panahong ito, halos lahat ay kaya nang silipin ng estado mula sa paggamit ng computer at Maging ang mga pag uusap sa telepono kung,nagtataka siya sa pangangailangan pa ng registration ng sim card.

Sa ilalim ng Senate bill number 7 o ang Sim Card Registration Act of 2016, Ililimita ang bawat indibidwal na makagamit lamang ng hanggang tatlong SIM cards

Layunin nito na mapigilan ang mga aktibidad ng mga terorista na ginagamitan ng mobile phone.

Sakaling makapasa, ang papayagan lamang na maging registered SIM card owner ay mga nasa edad kinse anyos pataas.

Facebook Comments