Ozamis City – Kinundena ng National Prosecution Service (NPS) at ng Office of the Prosecutor General ang pinakahuling insidente ng pagpatay sa mga kasamahan nilang prosecutor.
Ayon kay Acting Prosecutor General Jorge Catalan Jr., masyado nang nakaka-alarma ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga piskal na napapatay sa bansa.
Patunay anya ito na wala nang kinatatakutan ang mga taong nasa likod ng pagpatay sa kanilang mga kasamahan.
Dahil dito, naniniwala ang Office of the Prosecutor General na panahon nang armasan ang mga miyembro ng National Prosecution Service o NPS para maidipensa ang kanilang mga sarili.
Sa datos ng NPS, umaabot na sa 14 na prosecutor ang brutal na pinatay nitong nakalipas na 26 na taon na hindi pa rin nareresolba ang kaso.
Pinakahuli dito ang pananambang kay dating Prosecutor Geronimo Marave Jr. ng Ozamiz City.