Manila, Philippines – Mariing kinukundena ng gobyerno ng Pilipinas ang panibagong missile strike sa Saudi Arabia.
Matatandaan noong Sabado nangyari ang missile strike sa Jizan, kung saan tatlong sibilyan ang nasawi.
Ang pag-atake ay inilunsad ng Yemen rebels.
Kasabay nito nagpaabot narin ng pakikiramay ang Pilipinas sa Kingdom of Saudi Arabia.
Pinayuhan narin ng DFA ang mga Pinoy sa nasabing bansa na maging vigilante at manatiling mapagmatyag.
Samantala, ikinalugod naman ni Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano na walang Filipino casualties sa naturang missile attack.
Sa ulat ni Philippine Consulate General Edgar Badajos ang target ng missile strike ay ang Jizan na isang major oil distribution center sa Jeddah Saudi Arabia kung saan tinatayang nasa 15,000 ang mga Pinoy workers.