NBA | Kyrie Irving, hindi pa sigurado sa posibleng reunion nila ni LeBron sa Boston Celtics

84

NBA – Hindi pa makapagkomento si NBA Star Kyrie Irving sa posibilidad na magsama sila sa Boston Celtics ng dati niyang teammate sa Cleveland Cavaliers na si LeBron James.

Ayon kay Irving, ipinauubaya na niya sa pamunuan ng Celtics kung gusto nilang kunin si LeBron para sa susunod na NBA season.

Sa July 1, magiging free agent na si leBron pero ngayon pa lang ilang koponan na ang nag-aagawan sa kanya.

Samantala, inaasahang makakarekober na mula sa kanyang left knee injury si Irving bago mag-umpisa ang training camp sa Setyembre.

Matatandaang hindi nasilayan noong nakaraang playoffs ang five-time all-star dahil kinailangan niyang sumailalim sa surgery.

Facebook Comments