INALMAHAN | Simbahan, kinondena ang naging desisyon sa quo warranto petition kay Sereno

Manila, Philippines – Kinukundena ng Simbahang Katolika ang naging pagpabor ng Korte Suprema sa quo warranto petition laban kay Ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno kahapon.

Ayon kay Father Edwin Gariguez, Executive Secretary ng Bishops’ National Secretariat For Social Action, Justice And Peace, ang desisyong ito ng SC ay hinahamak ang demokrasya ng bansa.

Bukod dito, expected na ang desisyong ito ng Korte Suprema dahil ang mga mismong nagakusa ay ang siya ring mga hukom na gumawa ng desisyon.


Dagdag pa ni Father Gariguez, nagtagumpay ang kasalukuyang administrasyon na impluwensyahan ang hudikatura.

Facebook Comments