Manila, Philippines – Inalmahan ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang binalangkas na federal constitution draft ng Kamara kung saan pinapawalang-bisa ang rule of succession ng Bise Presidente sakaling magbitiw o patalsikin sa pwesto ang Pangulo.
Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, legal counsel ni Robredo – hindi makatwiran ang argumento ni House Committee on Constitutional Amendments Chairman Ching Veloso kung saan sinabi nito na layunin ng probisyon na maiwasang maantala ang pagpapalit sa pwesto ng pangulo sakaling maaprubahan ang federal draft sa susunod na taon.
Katwiran kasi ni Veloso, matatagalan ang succession ni Robredo dahil sa electoral protest na isinampa sa kanya ni dating Senador Bongbong Marcos.
Sa halip, Senate President ang papalit sa Pangulo sakaling bumaba o pinatalsik siya sa puwesto.
Pero giit ni Macalintal – walang basehan ang punto ng Kamara kaya hindi ito dapat ikonsidera.