Manila, Philippines – Kinalampag ng House Committee on Natural Resources ang Department of Labor and Employment na tiyaking mabibigyan ng hanapbuhay ang mga displaced workers na naapektuhan ng rehabilitasyon ng Boracay.
Ayon kay DOLE Asec. Joji Aragon, mayroong 450 Million na inilaan ang DOLE para sa anim na buwan na livelihood program sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced o TUPAD, livelihood program at government internship.
Napag-alaman na sa ilalim ng TUPAD program nasa 17 thousand ang nagpalista para sa emergency employment pero nasa 5,800 pa lang ang nakapag-avail.
Inamin naman ng DOLE sa pagdinig ng Kamara na sa 450 Million na pondo, nasa 20 Million pa lang ang nai-release ng DOLE para sa lahat ng programang pangkabuhayan ng ahensya.
Iginiit naman ni Natural Resources Chairman Arnel Ty na hindi magkakasya ang 450 Million na livelihood ng DOLE sa loob ng anim na buwan.
Pero depensa naman ng DOLE, mayroon ding livelihood ang DSWD na maaaring i-augment para sa mga manggagawa ng Boracay.