INAMIN | Kris Aquino – gusto na ulit magka-lovelife

Manila, Philippines – Inamin ni Kris Aquino na gusto pa niyang magkaroon muli ng ka-relasyon.

Pero may kondisyon – dapat ay aprubado raw ng anak niyang si Bimby.

Sa latest social media video na in-upload ni Kris, ang “unscripted with kris”, mapapanood ang pagtatanong ni Bimby sa kanyang ina tungkol sa pag-ibig.


Kabilang sa mga tanong na ito ay kung sino ang first love ng TV-host actress na hindi naman sinagot ni Kris.

Say ni Kris kay Bimby, happily married na ang kanyang first love kaya mas mabuting manahimik na lang sila.

Samantala, payag din naman daw si Bimby sakaling magkaroon ulit ng boyfriend ang kanyang mommy.

Say naman ni Kris, sakaling mangyari ay magiging pangalawa na lang ito sa kanyang buhay at number one priority pa rin niya ang kanyang mga anak.

Facebook Comments