INAMIN | Problema sa basura sa Metro Manila, itinuturing nang "Emergency Situation" ng DENR

Manila, Philippines – Maituturing na bilang “emergency situation” ang problema sa basura sa Metro Manila.

Ito ang inamin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay DENR Usec. Benny Antiporda – nakakabahala na ang sangkaterbang basura na nahahakot hanggang ngayon matapos ang pananalasa ng habagat.


Aniya, kailangang matugunan ang problema dahil ito rin ang isa sa mga rason ng malawakang pagbaha sa NCR.

Panawagan ng DENR sa mga Local Government Unit – resolbahin ang solid watse problems sa kanilang nasasakupan at turuan ang mga residente nila ng tamang pagtatapon ng basura.

Facebook Comments