SINALAKAY | Pagsalakay sa isang quarry site sa San Mateo, Rizal – inako ng NPA

Inako ng New People’s Army (NPA) ang nangyaring pagsalakay ng mga armadong grupo sa isang quarry site sa San Mateo, Rizal noong Linggo.

Ayon kay Narciso Antazo Aramil Command ng NPA – 20 tauhan nila ang umatake sa Montel Rock Corp. sa Barangay Guitnang Bayan.

Sinunog umano nila ang walong truck, apat na backhoe, bulldozers at loaders ng kompanya saka dinisarmahan ang mga gwardiya.


Kinumpirma naman ni San Mateo Police C/ Supt. Vic Amante na 12 company vehicles ang winasak ng mga sumalakay na rebelde.

Facebook Comments