INAMIN | PRRD, nagpakuha ng blood test

51

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumailalim ito sa blood test.

Ito ay bahagi ng kanyang regular checkup.

Ikinuwento ng Pangulo na kinuhanan siya ng dugo.

Biro pa ng Pangulo – wala nang dugong nakuha sa kanya kundi hangin.

Nang tanungin ng mga reporter ang dahilan ng blood checkup ng Pangulo, sinabi ni Duterte na ipalilinawag niya ito sa mga susunod na araw.

Bago ito, iginiit ng Malacañang na walang dapat ipag-alala sa kalusugan ng Pangulo sa pinakahuli niyang pagbisita sa ospital.

Facebook Comments