MANILA – Umangal sa ipinasang amendment sin tax sa kamara ang health group na Action on Smoking and Health dahil sa mababang halaga ng buwis na ipapataw sa mga sigarilyoSa ilalim ng inaprubahang panukala, itataas sa 32 pesos kada-pakete ang buwis sa murang brand ng sigarilyo habang 36 pesos naman sa mga mamahaling brand nitoPero ayon kay Dr. Maricar Limpin, Executive Director ng grupo – napakaliit ng nasabing halaga kumpara sa kakayanan ng publiko na makabili ng sigarilyo at sa maaaring epekto nito sa kalusugan ng tao.Matatandaang una nang pinaburan ng Department of Health ang planong pag-doble sa presyo ng sigarilyoNabatid kasi na simula nang magmahal ang presyo ng sigarilyo, bumaba ng 23.3 percent ang populasyon ng mga cigarette smoker mula sa 31 percent noong 2008.
Inamyendahang Sin Tax Law Sa Kamara, Inalmahan Ng Health Group
Facebook Comments