Medical Bulletin Ni Pangulong Rodrigo Duterte – Dapat Isapubliko Ayon Sa Makabayan Bloc

8

MANILA – Ipinasasa-publiko ng Makabayan Bloc sa Malacañang ang medical bulletin kaugnay sa totoong estado ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.Kasunod ito ng pag-amin ng Pangulo na mayroon siyang iniindang sakit.Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na sa halip sabihin ng Palasyo na hindi life-threatening ang sakit ni Duterte, mas makabubuti aniya kung manggagaling mismo sa doktor ang detalye ng kondisyong-medikal nito.Sa pamamagitan nito, mawawala ang niya ang duda ng publiko.Tiwala rin ang kongresista na hindi ito mamasamain ng Pangulo lalo pa’t kilala naman siyang transparent.

Facebook Comments