Cauayan City, Isabela- Hindi na maibenta ang ilang sako ng inaning mais matapos na sunugin ng hindi pa nakikilalang salarin sa barangay Unag, Amulung, Cagayan.
Naniniwala ang may-ari ng sinunog na mais na si Ginang Marga Alfonso na sinadyang sunugin ang kanilang naaning mais.
Bagamat may mga ilang sakong naisalba, nanghihinayang pa rin siya dahil ibabyahe na sana ang mga mais noong Abril 19.
Ayon pa kay Marga, kanyang sinabi na sana’y hindi rin magaya sa iba pang mga magsasaka ang naranasan nito at hiniling na sana ay mahuli ang nanunog sa kanilang aning mais.
Kamakailan ay naging abo rin ang dalawang tambak ng mga naaning mais ni tatay Elizardo Mallari, Sr. ng Calamagui, San Pablo, Isabela matapos din itong sunugin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.
Facebook Comments