INANOD | Mahigit dalawampung kilo ng cocaine, nakitang palutang-lutang sa dagat sa Camarines Sur

Camarines Sur – Nakita ng mga mangingisda ang nasa 27 kilo ng cocaine na nakalagay sa isang plastic container habang palutang-lutang ito sa dagat na sakop ng Camarines Sur.

Ang nasabing iligal na droga ay tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P162 milyong piso.

Nakita ng mga mangingisdang sina Jhony Merluza, Ruben Yanela, Ricky Coros at Cecilio Amargo ang nasabing plastic container.


Agad nila itong ini-report sa otoridad kung saan kasalukyan na itong nasa Quezon Provincial Crime Laboratory Office.

Facebook Comments