INANOD | Patay na butanding, napadpad sa Navotas City

Navotas City – Pinagkaguluhan ng mga residente ang isang butanding na natagpuang patay sa Manila Bay, malapit sa Navotas Fish Port.

Alas 11:00 pa kagabi nang makitang palutang-lutang sa dagat ang butanding na tinatayang nasa 16 talampakan ang haba.

Pinagtulungan naman itong iahon ng mga residente dahil medyo nangangamoy na.


Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), posibleng napadpad sa lugar ang butanding noong kasagsagan ng habagat.

Facebook Comments