TRENDING | Humps na hugis buwaya, agaw-atensyon sa Benguet

Benguet – Viral ngayon ang larawan ng isang hump sa ginagawang farm-to-market road sa Barangay Sagpat, Kibungan, Benguet.

Sa halip kasi na isang diretsong haba, hugis buwaya ang nasabing hump.

Ayon sa nagbahagi ng larawan sa facebook, hindi pa tapos ang kalsada kaya hindi pa ito pwedeng daanan ng mga sasakyan.


At dahil may natirang kaunting semento, napagtripan lang daw ng foreman na gumawa ng crocodile hump.

Wala naman daw itong malalim na pakahulugan pero ilang netizens ang nagkomento at sinabing sumisimbolo ito sa mga korap na opisyal ng gobyerno.

Facebook Comments