Inanunsyong cash assistance para sa mga pamilyang naapektuhan ng gulo sa Marawi, hindi pa naipapamahagi ayon sa DSWD

Marawi City, Philippines – Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi pa maipapamahagi ang nauna nang inanunsyong cash assistance para mga pamilyang apektado ng gulo sa Marawi City.

Ayon kay DSWD Region 10 Director Nestor Ramos, hinihintay pa ang pag-download o paglilipat ng pondo mula sa Central Office ng DSWD.

Paliwanag ni Ramos, naisumite na umano ang Cash Assistance Proposal sa Central Office at hinihintay na lamang din ang ilalatag na guidelines sa pamamahagi ng pera sa mga benepisyaryo.


Agad umanong ipapamahagi ang Cash Assistance sa oras na matanggap na ang pondo.

Samantala, isasaayos rin ng DSWD ang duplication sa listahan ng mga pangalan ng Internally Displaced Families upang maiwasan ang labis na distribusyon ng relief goods at iba pang ayuda mula sa pamahalaan.
DZXL558

Facebook Comments