Inaprubahang dagdag-sahod sa mga manggagawa, hindi halos maramdaman dahil sa patuloy na taas-presyo sa mga bilihin at serbisyo sa bansa, ayon sa IBON Foundation

Hindi halos maramdaman ang inaprubahang umento sa sahod ng mga manggagawa.

Ito ay inihayag ng IBON Foundation kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.

Ayon sa IBON Foundation, kahit nadagdagan ng ₱37.00 ang minimum arawang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila ay hindi ito maramdaman dahil sa mataas na presyo ng mga pangunahing pangangailangan.


Paliwanag pa ng IBON Foundation, bumaba pa ng 10% ang tunay na halaga ng minimum wage sa Metro Manila.

Ayon sa kanilang pag-aaral, kailangan ng mahigit ₱1,900 kada araw ang isang pamilyang may limang miyembro upang makapamuhay ng maayos.

Dapat din maisulong ang ₱757 national minimum wage para makasabay ang mga manggagawa sa walang tigil na taas-presyo sa mga bilihin sa bansa.

Facebook Comments