INATASAN | Army chief Bautista, itatalagang NFA administrator

Manila, Philippines – Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na itatalaga niya si Army Chief, Lieutenant General Rolando Bautista bilang susunod na administrator ng National Food Authority (NFA).

Ayon kay Pangulong Duterte, nais niya si Bautista ang mag-rationalize sa tinatawag niyang ‘idiotic’ structure ng NFA at para na rin matiyak ang stable na supply ng bigas sa bansa.

Inatasan din ng punong ehekutibo si Bautista na naipapamahagi ng maayos ang government rice mula sa mga warehouse patungo sa mga pamilihan.


Sinabi rin ng Pangulo, na suportado niya ang panukalang rice tarrification na makatutulong na mapatatag ang presyo ng bigas at maiwasan ang shortage.

Papalitan ni Bautista ang nagbitiw na si NFA Administrator Jason Aquino.

Paglilinaw naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang appointment ni Bautista ay magiging epektibo pagkatapos ng kanyang pagreretiro mula sa militar.

Nakatakdang magretiro si Bautista sa October 15.

Facebook Comments