INATASAN | National Electrification Administration, pinakikilos sa bagyong Ompong

Manila, Philippines – Pinakikilos ngayon ang National Electrification Administration sa banta ng bagyong Ompong.

Inatasan ni House Committee on Appropriations Chairman Karlo Nograles sa NEA na maghanda ng “emergency” at “resiliency” fund para sa agad na pagbabalik ng kuryente sa mga mapipinsala ng kalamidad.

Pinakikilos din ni Nograles ang Power Restoration Rapid Deployment (PRRD) Task Force upang masiguro ang agarang pagpapanumbalik sa serbisyo ng kuryente.


Ayon kay Nograles, ang PRRD Task Force na binubuo ng mga electric cooperatives at pinapangasiwaan ng NEA ay kinakailangang “nasa gitna ng aksyon sakaling kailanganing agad ibalik sa mga masasalanta ng Bagyong Ompong ang serbisyo ng kuryente.

Hinimok din ng kongresista ang NEA na maging maagap at tingnan ang posibilidad na magamit ang Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund (ECERF) upang mailaan sa mga hakbang sa pagtugon sa pagkakaputol sa serbisyo ng kuryente sa maaapektuhang mga komunidad.

Tuwing may kalamidad sa bansa, hindi maiwasang maputulan ng kuryente sa mga lugar na may bagyo dahil sa lakas ng ulan at hangin.

Facebook Comments