INATASAN | NBI, papasok na sa imbestigasyon sa pagkasunog ng Manila Pavilion Hotel

Manila, Philippines – Inatasan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre
ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon sa nangyaring sunog sa Manila
Pavillon Hotel sa Maynila.

Partikular na pinasisilip ni Aguirre sa NBI ang pananagutang kriminal,
sibil at administratibo ang alin mang ahensya ng pamahalaan.

Pinatutukoy din ng kalihim kung may pananagutan ang mga may-ari, mga
manager at mga empleyado ng nasabing hotel


Inatasan din ni Aguirre ang NBI na magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga
kinauukulan sakaling may makuha silang mga ebidensya.

Ipinag-utos din ng kalihim kay NBI Director Dante Gierran na mag-report sa
kanyang opisina sa takbo ng kanilang imbestigasyon at case build-up.

<#m_9034351058205546093_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments