DMW, tiniyak na walang Pinoy na nasaktan sa flashflood sa Indonesia

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na walang Pilipinong nasugatan sa flash floods sa Indonesia.

Sa kabila nito, tiniyak ng DMW na ang kanilang Migrant Workers Office sa Singapore ay nakikipagtulungan na sa Philippine Embassy sa Jakarta at sa Philippine Consulate General sa Manado para i-monitor ang kalagayan ng Overseas Filipino workers sa Indonesia na posibleng naapektuhan ng malakas na pagbuhos ng ulan sa South Sulawesi mula pa nitong May 3.

Naka-ugnayan na rin ng Philippine Consulate General sa Manado ang Filipino communities sa Makassar City.


Anila, tiniyak ng Pinoy community leaders doon na hindi naman sila naapektuhan ng sama ng panahon doon.

Facebook Comments