INATASAN | NBI, papasok na sa imbestigasyon sa Sagay massacre

Manila, Philippines – Inatasan na ni Justice secretary Menardo Guevara ang NBI na pumasok na sa imbestigasyon sa pagkamatay ng 9 katao sa Sagay City, Negros Occidental noong weekend.

Ang hakbang ni Guevarra ay kasunod ng panawagan ng ilang grupo sa DOJ na gawin ang lahat ng legal na paraan para mapanagot ang nasa likod ng masaker.

Ang siyam na nasawi Ay kabilang sa National Federation of Sugar Workers na nag-okupa sa Hacienda Nene sa Barangay Bulanon.


Una nang sinabi ng PNP na New People’s Army ang nasa likod ng pamamaril habang inihalintulad naman ng Department of Agarian Reform ang pagpasok ng mga magsasaka sa Hacienda Nene sa ginawa ng grupong Kadamay nang okupahin nito ang housing project ng pamahalaan sa Bulacan noong nakaraang taon.

Facebook Comments