INATASAN | NFA magiging agresibo sa pagbili ng palay

Manila, Philippines – Inatasan na ni NFA administrator Jason Aquino ang mga field offices ng National Food Authority (NFA) lalo na sa rice producing areas na maging agresibo sa pagbili ng palay.

Tiniyak ni Aquino na may sapat nang pondo ang ahensiya para ipambili ng palay ngayong cropping season.

Huwag na daw hintayin na ang mga farmers pa ang magdadala ng kanilang aning produkto sa halip ay puntahan ang mga malalayo at remote barangays at bilhin ang kanilang harvest.


May mga lugar pa kasi sa bansa na ang presyo na inaalok ng mga private traders ay mababa kumpara sa government support price na P17 kada kilo.

Sinabi pa ni Aquino, nakahanda na ngayon ang mobile procurement teams ng NFA at nakikipagkoordinasyon na sa farmers’ organizations at Local Government Units (LGUs).

Maging ang 279 buying stations ay nakaposisyon na sa buong bansa at handa nang tumanggap ng palay deliveries mula sa field offices at sa mga individual farmers.

Mula Agosto 31 mababa lang ang procurement performance ng ahensiya sa panahon ng summer harvest dahil sa mataas na palay farm-gate price na alok ng private traders mula P20.00 hanggang P28.00 kada kilo.

Habang ang buying support price ng NFA ay nanatili sa P17.00 kada kilo.

Facebook Comments