Manila, Philippines – Inatasan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na bumuo ng guidelines para sa pagpapadala ng household service workers sa Kuwait.
Ito ay kasunod ng pagtanggal ng total Deployment Ban at paglagda ng memorandum of understanding na magbibigay proteksyon sa mga ofw na magtatrabaho sa Gulf State.
Nakapaloob sa kasunduan ang pagbubukas ng personal bank account kung saan dadaan ang suweldo ng mga OFW na maaaring i-remit sa Pilipinas.
Ang mga pilipinong manggagawa ay dapat ding mabigyan ng day off kada Linggo.
Hindi maaring kumpiskahin ng employer ang pasaporte ng kanilang trabahador at hindi dapat pagtrabahuhin nang mas matagal sa napagkasunduan sa kontrata.
Facebook Comments