HINIMOK | 1 opisyal ng DPWH, pinagbibitiw ni PRRD

Manila, Philippines – Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magbitiw sa pwesto dahil sa alegasyon ng korapsyon.

Hindi na pinangalanan ng Pangulo ang opisyal.

Sa talumpati ng Pangulo sa Alegria, Cebu, hindi niya kukunsintehin ang mga government employee na iresponsable at hindi maaasahan.


Dinepensahan din ni Duterte ang kanyang sarili tungkol sa kanyang personalidad.

Sabi ng Pangulo – batuhin o tirahin na siya ng anuman ng kanyang mga kritiko pero hindi nila maaring sabihin na siya ay tiwali.

Facebook Comments