Aminado si incoming DICT Secretary Ivan John Uy na kailangang magkaroon ng mas malakas na digital police at digital National Bureau of Investigation (NBI) ang bansa.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Uy na layon nitong labanan ang mga online scammer na laganap ngayon.
Ayon kay Uy, mayroon namang mga pagsasanay ang law enforcement agencies subalit kailangan pang mapaghusay at pumili ng mga tamang taong gagawa nito.
Kasunod nito, naniniwala si Uy na malaking hamon sa papasok na administrasyon ang pagsawata sa isyu ng cybercrimes.
Dahil aniya nagiging digital society na ang bansa, natututo na rin ang mga kriminal ng mga makabagong paraan ng panloloko sa pamamagitan ng cyber world.
Facebook Comments