DOH, kinumpirma na may kaso na rin ng Omicron subvariant BA.5 sa bansa

62

Kinumpirma ng DOH na may na-detect na rin silang kaso ng Omicron subvariant BA.5 sa bansa.

Ayon sa DOH, na-detect ang kaso sa 2 residente mula sa Central Luzon na wala namang travel history abroad at pawang mga bakunado kontra COVID-19.

Sila ay nakaranas ng pag-ubo at sipon at kapwa asymptomatic na ngayon at gumaling na.


Naka-isolate na rin ang kanilang mga nakasama sa bahay kung saan ang isa lamang dito ang nagpositibo sa COVID-19.

Facebook Comments