Nais tuldukan ni incoming National Security Adviser at Retired UP Professor Clarita Carlos ang isyu ng red-tagging.
Ito ang sinabi niya kaugnay sa mga pagbabago habang nasa ilalim ng kaniyang pamumuno ang National Task Force to End Local Communist and Armed Conflict bilang NSA chief.
Taliwas ito sa umano’y gawain ng NTF-ELAC ngayon dahil sa red-tagging.
Sa ngayon, hindi pa nag-uusap si Carlos at si Incumbent National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon.
Mababatid na hindi na rin inirerekumenda ng incoming National Security Adviser ang peace negotiations sa mga rebeldeng grupo.
Facebook Comments