MANILA – Ipinauubaya na ng Commission on Human Rights sa Civil Service Commission at Department of Interior and Local Government (DILG) ang pag-akyson sa naging paglabag ni incoming President Rodrigo Duterte sa “magna carta of women”.Batay na rin ito sa inihaing reklamo ng ibat-ibang grupo kaugnay sa rape joke nito sa Australian missionaries noong panahon kampanya.Ayon kay Atty. Twyla Rubin ng CHR, kahit isa lamang itong biro o pagpapakita ng galit ay minaliit umano ni Duterte ang isyu ng “rape”.Inerekomenda rin ng CHR sa kongreso na ireview ang magna carta of women at dagdagan ng malinaw na parusa sa mga lalabag.Binalewala naman ni Duterte ang rekomendasyon ng CHR na parusahan siya dahil sa nasabing paglabag.Sinabi pa ni Duterte na walang alam sa batas ang CHR dahil ginamit lamang niya ang freedom of speech.
Incoming President Rodrigo Duterte, Binalewala Ang Banta Ng Commission On Human Rights Na Kakasuhan Siya Kaugnay Sa Pagl
Facebook Comments