
Nagtungo sa Department of Justice (DOJ) si Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Leila de Lima para maghain ng reklamong perjury.
Ito’y laban sa 18 nagpakilalang marines na idinawit ang kaniyang pangalan kung saan tumanggap umano siya ng male-maletang pera mula kay dating Cong. Zaldy Co bilang kickback sa flood control projects.
Paliwanag ng kongresista, malinaw ang ginawang paninira sa kaniya na isama ang pangalan sa nasabing tumanggap ng pera kaya napilitan ireklamo ang mga sinasabing marines na sinumapaan ang mga salaysay.
Sa ambush interview kay De Lima, mariin nitong itianggi ang paratang kung saan naniniwala siya na politically motivated ang hakbang lalo na’t timing na timing ito sa ginagawang pagdinig sa International Criminal Court (ICC) hinggil sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Bukod dito, sinabi pa ni Rep. De Lima, hindi na siya papayag na maulit ang ginawa ng dating administrasyon na ipinakulong siya dahil sa mga gawa-gawang kaso na may kinalaman sa iligal na droga.
Matatandaan na nauna ng nagsampa sa NBI si De Lima ng libel ar cyber libel laban sa mga 18 nagpakilalang marines at sa abaogado nila na si Atty. Levi Baligod.










