MANILA – Inupakan ni incoming President Rodrigo Duterte ang simbahang katolika na nangangampanya umano laban sa kanya noong halalan.Matatandaan, bago ang eleksyon ay nagpalabas ng mga pastoral letter ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mistulang patama sa alkalde.Dahil dito, hinamon ngayon ni Duterte ng debate ang mga obispo para mailantad o mabunyag ang umanoy mga kasalanan at katiwalian ng simbahang katolika.Sinabi naman ni Msgr. Oliver Mendoza, ang tagapagsalita ng archdiocese ng Lingayen, Dagupan, na nirerespeto ng simbahan ang opinyon ng uupong pangulo.Nilinaw din nito na hindi kailanman nag-endorso ang simbahan o nagsabi na huwag iboto ang isang kandidato kung saan naglabas lang sila ng gabay at nasa tao pa rin ang pagpapasya.Samantala, wala pang sagot ang CBCP kaugnay sa hamon ni Duterte dahil maglalabas pa sila ng pahayag kaugnay sa balak na pagpapatupad ng death penalty at iba pang usapin.
Incoming President Rodrigo Duterte, Inupakan Ang Simbahang Katolika – Mga Obispo, Hinamon Ng Debate
Facebook Comments