Santiago City- Tuwang-tuwa ang mga taga suporta ni Incumbent City Mayor Joseph Tan makaraang maiproklama bilang alkalde ng siyudad ng Santiago sa katatapos na halalan kahapon, Mayo 13, 2019.
Pangatlong termino na ito ni City Mayor Tan na nakakuha ng 40,747 na boto kung kaya’t natalo niya ang kanyang matinding katunggali sa pulitika na si Amelita Navarro na nakakuha lamang ng 31,571 na boto.
Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Mayor Joseph Tan, sinabi nito na malaki ang kanyang pasasalamat sa mga Santiaguenos na muli siyang pinagkatiwalaan upang mamuno at higit pang mapaunlad ang lungsod.
Nakapasok din ang mga re-electionist Sangguniang Panglungsod Member ni Mayor Tan na sina KC Bautista – , Eunice Sable, Paul De Jesus, Ressie Turingan-Ponce, Gino Abaya-Siquian, Jamayne Tan, Pandong Lugod, Benzi Tan Chai at dalawang Independent Candidate na sina Vinchy Aggabao at Atty. Jun Cabucana.
1. Katrina Camille B. Bautista – 51,132
2. Cassandra Eunice Sable – 47,085
3. Paul De Jesus – 46,709
4. Resureccion T. Ponce – 45,438
5. Gino A. Siquian – 44,484
6. Jamayne C. Tan – 41,627
7. Wolfrando Lugod – 41,595
8. Christian Vincent Neville Aggabao – 40,060
9. Benzi Chai – 35,801
10. Marcelino C. Cabucana Jr. – 32,282
Dagdag pa ni Tan, higit niyang pagtutuunan ang mga proyekto upang higit na makatulong sa mga Santiaguenos sa ilalim ng kanyang pamumuno.