Indemnification agreement para sa Pfizer at AstraZeneca, nalagdaan na!

Pirmado na ang indemnity agreement sa pagitan ng bansa at ng vaccine manufacturers na Pfizer at AstraZeneca.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Task Force against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na maganda itong balita dahil wala nang makahahadlang pa sa pagdating ng mga bakuna mula Pfizer at AstraZeneca sa bansa.

Matatandaang naantala ang pagdating ng 117,000 doses ng mga bakuna na gawa ng Pfizer at AstraZeneca na mula sa Covax facility dahil sa kawalan ng indemnification law sa bansa.


Sa ngayon, naisingit ang indemnification clause sa kontrata na siyang titiyak sa bayad o compensation sa mga Pilipinong makararanas ng hindi magandang epekto ng COVID-19 vaccines.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ang abiso mula sa Covax facility kung kailan eksaktong petsa o araw matatanggap ng bansa ang 117,000 doses ng mga bakuna na syang ituturok sa mga medical health workers.

Facebook Comments