FDA, nagbabala sa ibinebentang lip balm na hindi dumaan sa tamang proseso

43

Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko hinggil sa ibinebentang lip balm na hindi dumaan sa tamang proseso ng kanilang tanggapan.

Sa abiso ng FDA, ibinebenta via online at sa merkado ang Natures Infinity Wild Noni Lip Balm with Virgin Coconut Oil na hindi pa rehistrado at otorisadong magbenta.


Matatagpuan ang kanilang warehouse sa Mandaluyong City kung saan kulang ang mga impormasyon na inilalagay sa kanilang produkto.

Babala ng FDA, ang mga hindi dumaan sa proseso tulad ng nasabing produkto ay hindi tiyak ang kaligtasan sa kalusugan ng isang tao.

Kaya’t payo ng FDA, huwag nang tangkilikin ang ganitong mga produkto at agad na i-report sa kanilang tanggapan kung makakabili o makakakita sa mga pamilihan.

Facebook Comments