Natanggap ng higit isang daang magsasaka sa bayan ng Bayambang ang indemnity claims mula sa programa ng Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC.
Nasa halos isang milyon naman ang kabuuang halaga ng naipamahaging financial aid.
Ang mga benepisyaryo ay ang mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa taong ito na nagdulot ng pagsalanta sa mga pananim, alagang hayop, o pangisdaan.
Samantala, hinikayat ng Municipal Agriculture Office ang mga magsasaka sa bayan na mag-apply sa crop insurance upang maavail ang insurance protection sa banta ng mga kalamidad at peste. |ifmnews
Facebook Comments