INDEPENDENCE DAY | Ilang kalsada sa Maynila, isasara bukas

Manila, Philippines – Ilang kalsada sa Maynila ang isasara bukas para bigyang-daan ang mga aktibidad sa paggunita ng Araw ng Kalayaan.

Mula alas 6:00 ng umaga, sarado na ang:

– Northbound at southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang TM Kalaw
– Katigbak Drive, Independence Road at South Drive


Kaya payo ng Manila District Traffic Enforcement Unit:

– Para sa mga light vehicles na papuntang south, kumaliwa sa P. Burgos, kanan sa Ma. Orosa at kanan sa TM Kalaw
– Kung pa-northbound, kumanan sa TM Kalaw, kaliwa sa Ma. Orosa, at kaliwa sa P. Burgos
– Ang mga truck at trailer truck naman na patungong south, kumaliwa sa P. Burgos at kanan sa Finance Road
– At kung pa-north, kumanan sa Pres. Quirino Avenue

Alas 9:00 naman ng umaga isasagawa ang Military-Civic Parade kaya sarado muna ang:

– Southbound lane ng Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang Katigbak
– Katigbak Drive, Independence Road at South Drive

Para sa mga apektadong light vehicles na pa-southbound, dumaan sa Anda Circle at kumanan sa Soriano Avenue.

Anda Circle din ang dapat gamitin ng mga truck na pa-southbound saka lumabas sa Bonifacio Drive.

Para sa mga sasakyang pa-northbound, diretso sa Bonifacio Drive at kumanan sa TM Kalaw Avenue.

Facebook Comments