Independent at malalimang imbestigasyon sa pagkamatay ni Ka Randall, iginiit ng opposition senators

68

Kinondena nina opposition Senators Risa Hontiveros at Francis Kiko Pangilinan ang pagkapatay ni NDFP consultant at lider-magsasaka Randy Echanis at ng kanyang kapitbahay na si Louie Tagapia.


Giit ni Senator Hontiveros, dapat magkaroon ng independent investigation na pangungunahan ng Commission on Human Rights (CHR) sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP).

Si Senator Pangilinan naman ay nananawagan sa National Bureau of Investigation (NBI) na makialam at magsimula ng isang patas at walang kinikilingang pagsisiyasat.

Giit nina Hontiveros at Pangilinan, dapat may managot sa nangyaring krimen upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Facebook Comments