Lasing na rider sugatan matapos bumangga sa poste ng kuryente

210

IBAJAY, AKLAN –  Sugatan ang isang motorista matapos bumangga ang kaniyang  motorsiklo sa poste ng kuryente, Linggo ng gabi.


Kinilala ang rider na si Christian Traje, 28 taong gulang, residente ng Barangay Polo dito.

Ayon sa pulisya, pauwi na raw sana ang biktima galing sa isang birthday party nang maganap ang insidente dakong alas-6:20 ng gabi.

Nawalan umano ng kontrol ang binata, na mabilis ang pagpapatakbo sa motorsiklo kahit madilim at kurbada ang daanan.

Hindi matandaan ni Traje kung paano siya nadisgrasya subalit aminado siyang nakainom bago bumiyahe.

Agad naman isinugod ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan.

Facebook Comments