Manila, Philippines – Imbestigasyon muna bago konklusyon.
Ito ang pahayag ni Magdalo Rep. Gary alejano sa harap ng nangyaring kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu.
Aniya, tila namimilipit ngayon ang PNP at AFP na patunayang suicide bombing ang naganap na pagpapasabog sa Mt. Carmel cathedral dahil sa ito ang naging pronouncement ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Giit ni Alejano – dapat na magkaroon ng independent investigation para malaman kung ano talaga ang nangyari.
Matatandaang pareho ang hinala noon ng militar at pulisya na miyembro ng “ajang-ajang” na konektado sa abu sayyaf group ang nasa likod ng pagpapasabog na ikinasawi ng 22 at ikinasugatan ng mahigit 100 indibidwal.
Pero ngayon, sa anggulong suicide bombing na nakatutok ang imbestigasyon ng mga otoridad.